LESSON 2: DULA Flashcards

(13 cards)

1
Q

Ano ang dula?

A

Ito ay isang uri ng panitikang itinatanghal sa entablado. Mayaman na sa tradisyon ng pagsasadula ang Pilipinas bago sakupin ng mga dayuhan. Noon, kung saan-saan nagtatanghal ng dula ng ating mga ninuno. Walang tiyak na proseso na sinusunod.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ano ang Dulang Panlansangan?

A

Mayroon tagpo, awit, at sayawan. Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay kinilala bilang isang akdang pampanitikang layunin manggaya sa mga kaganapan sa buhay.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ano ang Trahedya?

A

Isang dula kung saan ang pangunahing tauhan ay dumaranas ng matinding kabiguan, kasawian, o kamatayan. Layunin nitong pukawin ang habag at pagdadalamhati ng manonood.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Ano ang Komedya?

A

Dulang may magaan na tema at layuning magpatawa o magbigay-aliw. Karaniwan ay may maligayang wakas at hindi mabigat ang mga suliranin ng tauhan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Ano ang Melodrama?

A

Halo ng matinding emosyon—luha, galit, awa—na kadalasang may eksaheradong tagpo. Maaaring magtapos sa masaya o malungkot.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ano ang Parsa?

A

Dulang labis sa pagpapatawa. Ginagamit ang mga katawa-tawang sitwasyon, kilos, o pananalita para maghatid ng aliw. Karaniwang mababaw ang kwento.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ano ang Saynete?

A

Maikling dulang karaniwang tumatalakay sa mga karaniwang gawain ng tao sa araw-araw, madalas ay may halong katatawanan. Ginamit noon sa mga intermission ng mas mahahabang dula.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ano ang Dulang Panlipunan?

A

Tumatalakay sa mabibigat na isyung panlipunan, tulad ng kahirapan, diskriminasyon, at katiwalian. Layuning gumising sa kamalayan ng manonood.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Ano ang Dulang Pantanghalan?

A

Tumatalakay sa realistiko at makabagong tema, gamit ang mas natural na pag-arte at mas malalim na simbolismo.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ano ang layunin ng dula?

A

Magbigay libangan sa mga manonood. Magbigay-buhay ang mga tauhan sa kwento at itinanghal sa entablado. Maitanghal ang mga kwentong maaaring nagmula sa imahinasyon ng manunulat o mga kwento mula sa realidad ng buhay. Maibahagi ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan na itinatampok ang mga isyung panlipunan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Ano ang mga elemento ng dula?

A

ISKRIP: Pinakaluluwa ng isang dula. Walang dula kapag walang iskrip. AKTOR: Nagbibigay-buhay sa iskrip. Nagbibigkas ng diyalogo. Nagpapakita ng iba’t ibang damdamin. DIYALOGO: Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang mapaidama ang mga emosyon. TANGHALAN: Pook na pinagpasyahang pagtanghalan. DIREKTOR: Nagpapakahulugan sa isang iskrip. MANONOOD: Hindi ituturing na dula ang isang binansyang pagtanghal kung hindi ito napapanood ng ibang tao. EKSENA: Tumutukoy sa paglabas at pagpasok ng mga tauhan sa tanghalan. TAGPO: Pagpapalit ng tagpuan o lugar sa tanghalan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Maaari bang pagsamahin ang mga uri ng dula?

A

Oo, maaaring pagsamahin ang mga uri sa isang dula (hal. trahedya na may halong katatawanan).

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Ano ang layunin ng dula sa pananaw ng manonood?

A

Ang layunin ng dula ay makapukaw ng damdamin at makaapekto sa pananaw ng manonood.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly