Tumutukoy ito sa nagsasalita sa tula na nililikha ng makata.
PERSONA
Tumutukoy ito sa larawang diwa na nabubuo sa mambabasa.
Pinagagalaw nito ang guni-guni ng mambabasa. Nabubuo sa
pamamagitan pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan.
IMAHE
Saklaw nito ang sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod
ng tula. Ang pangkaraniwang tula ay may walo hanggang labindalawang pantig sa bawat taludtod.
SUKAT
Ito ang pagkakasintunugan ng mga salita o pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng tula. Ito ay isang elemento ng tula na nagbibigay dito ng himig at indayog.
TUGMA
Uri ng tugma
ganap at tugmang di-ganap
Tumutukoy sa mga dulong salita sa bawat taludtod na magkakapareho ang bigkas at diin.
Tugmang ganap
Tumutukoy sa pagkakahawig lamang ng tunog ng mga dulong salita sa bawat taludtod at nagkakaiba rin ito ng mga diin.
Tugmang di-ganap
Ipinababatid nito paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.
TONO AT
INDAYOG
Tumutukoy ito sa matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Dito kinakailangang gumamit ng tayutay at matatalinghagang
mga pahayag
TALINGHAGA
Tumutukoy ito sa malinaw at di-malilimutang impresyong nakikintal sa isipan ng mambabasa.
KARIKTAN
paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian.
Pagtutulad
Tiyakang naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing.
Pagwawangis
Pilit na pinalalabis sa normal na katangian, kalagayan o katayuan ng isang tao, bagay, pook o pangyayari upang bigyang- kaigtingan ang nais ipahayag. Tinatawag din itong eksaherasyon.
Pagmamalabis
mga pahayag ng paglilipat ng katangian, gawi, at talino ng isang tao sa mga karaniwang bagay na walang buhay. Ginagamitan ito ng pandiwa. Tinatawag din itong Pagbibigay-katauhan.
Pagtatao
Ito ay isang panawagan o pakiusap nang may masidhing damdamin sa isang bagay na tila ito ay isang tao o kaya’t tao na
animo’y kaharap ang kausap.
Pagtawag